Skip to main content

Advocatus Mutationi

           

"Ako ay nasa ika labing-isang baitang, bata pa lang ako noon, alam ko na ang gusto kong gawin sa buhay. Dulot ng impluwensiya ng mga nakikita ko araw-araw, kahirapan at mga hindi magagandang problema, nalaman ko sa sarili ko, na kailangan kong tumulong sa iba. Kailangan magbahagi ako ng sarili ko sa ibang tao. Kailangan magamit ko ang kursong inaaral ko sa ngayon.

Ang unang adbokasiyang naiisip ko, ay magsagawa ng 'symposium', patungkol sa pagluluto ng masustansiyang pagkain. Pupunta ako sa iba't-ibang lugar upang magbigay ng mga makakatulong na payo, kung ano ang dapat lutuin, o di kaya'y, magsasagawa ako ng aktwal na pagluluto para makakuha sila ng mga ideya patungkol dito. Pagkatapos ko naman na magluto, ipapakain ko sa mga batang hindi sapat ang nutrisyon, na tinatawag din na 'feeding'.

Pangalawa, ay ang pagtataguyod sa mga mamamayan upang kumain ng masustansiyang pagkain. Sapagkat, ang pagkain ng wasto at tama ay makakaiwas sa mga sakit na maaring dumapo sa isang tao. Samahan pa ng lakas na galing sa mga sustansiya, magiging aktibo ang mga tao sa paggawa ng mga araw-araw niyang gawain. Isang paraan para mapanatiling malusog ang ating katawan."

Nagising ako galing saking imahinasyon ng tawagin ako ng aking kasamahan. 'Ma'am, handa na po ang sasakyan at mga gamit na dadalhin para sa skedyul mo ngayon sa Zambales', sabi nito. Napangiti ako. Ako na pala ngayon ang nagtatag ng Mutare Foundation, isa sa mga nangungunang non-governmental organization sa bansa. Sa wakas, isa-isa ko nang natutupad ang mga adbokasiyang pinaplano ko nang ako ay nag-aaral pa ng Home Economics nung ako ay nasa Senyor Hayskul. Masaya ang aking pusong malaman na naging produktibo ang buhay na ginusto ko. Ang mga adbokasiyang ito ay magbibigay ng impluwensiya, magiging inspirasyon, para sa iba, upang tumulong din sila sa iba. Alam ko, na ipagpapatuloy ko ito hanggang makakaya ko, dahil naniniwala akong, "kapag may kakayahan kang tumulong, tumulong ka sa abot ng iyong makakaya."

Comments

Popular posts from this blog

Flyer

 Ang Eco Bag at kilala sa paggamit  bilang isang magandang  paraan upang mabawasan ang basura napinoprodus  ng mundo. Ang produkto ito at magagamit ng lahat  ng uri ng tao mapabata o matanda.  And Eco Bag na tinatawag ding "bag para sa buhay" ay mga bag na maaring pa ulit ulit gamitin. Ang mga ito ay ginagamit bilang alternatibo para sa mga plastic bag na isang beses lang magagamit  gawa ito sa mga materyales na narerecyle at Hindi nakakasira sa kalikasan. Mabibili ito sa  mga super market  at sa iba pang mga  pamilihan  ang pag gawa ng mga eco bag ay Hindi mangangailangan ng mga langids, isang natural na yaman  at nakakabawas sa pag produs ng carbon dioxide Hindi  tulad ng  pag gawa ng mga plastik na nangagaiangan ng langis sa pag gawa. Dahil ipinagbawal na ang pag gamit ng mga plastik, malaki ang magiging kita pag gumawa ng Eco bag. Ang eco bag ay magagamit sa pamamalengke o kaya magagamit ito sa mga lalagyan ng b...