Skip to main content

ALJD Home WiFi

                         ALJD Home WiFi

Gusto niyo bang maranasan ang isang malakas na internet connection? Kung oo, kumuha na kayo ng aming produkto! Mabilis, walang kuskos-balongos, walang balakid! Ang super WiFi ng bayan!
nAng ALJD Home WiFi!

Kung paano maavail ito, sundan lamang ang sumusunod:
1. Kunin ang telepono at tawagan ang numerong 226 406 0375.
     
2. Hanapin at kausapin ang "Integrated Group for Installation".
        
3. Magtanong ng mga tanong na naglalaro sa iyong isipan.
4. Kapag nasagot na lahat, magpareserve.
5. Sabihin ang pangalan, lugar na tinitirhan at iba pang kinakailangang impormasyon.
6. Magantay ng ilang araw para maikabit ang amping produkto.
7. Lagyan ng pangalan at password.

Kapag may ALJD Home WiFi na kayo, at gusto ng maranasan ang magandang koneksyon, sundin ang  mga nakasaad:
1. Kunin ang selpon.
2. Buksan ang WiFi Router.
3. Hanapin ang pangalan ng iyong WiFi, (halimbawa: San0504), pindutin ang "Connect" at intayin na maberepika.
4. Kapag natapos na ang proseso, maari mo nang gamitin hanggang magdamag.

Paalala lamang, may karampatang MB o megabytes ang iyong internet koneksyon, nakadepende kung ano ang napiling promo. Ang sumusunod ay mga promong maari mong aplayan para sa WiFi na ito:
• ALJD1B- Para sa isang buwang gamitan, may 5000 MB internet.
• ALJD5B- Para sa limang buwang gamitan, may 20,000 MB internet.
• ALJD10B- Para sa sampung buwang gamitan, may 50,000 MB internet.
• ALJD1T- Para sa isang taong gamitan, may 500,000 MB internet.

Makakasiguro kayong tapat ang aming serbisyo sa mababang presyo. Pwede niyo kaming puntahan sa aming opisina sa Makiling Street, Buntod Oro City. Nasa Cogmen Building, na bukas mula alas otso ng umaga hanggang alas diyes ng gabi. Magavail na para maranasan ang mabilis, walang kuskos-balongos, walang balakid na super WiFi ng bayan! Ang ALJD Home WiFi!

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Flyer

 Ang Eco Bag at kilala sa paggamit  bilang isang magandang  paraan upang mabawasan ang basura napinoprodus  ng mundo. Ang produkto ito at magagamit ng lahat  ng uri ng tao mapabata o matanda.  And Eco Bag na tinatawag ding "bag para sa buhay" ay mga bag na maaring pa ulit ulit gamitin. Ang mga ito ay ginagamit bilang alternatibo para sa mga plastic bag na isang beses lang magagamit  gawa ito sa mga materyales na narerecyle at Hindi nakakasira sa kalikasan. Mabibili ito sa  mga super market  at sa iba pang mga  pamilihan  ang pag gawa ng mga eco bag ay Hindi mangangailangan ng mga langids, isang natural na yaman  at nakakabawas sa pag produs ng carbon dioxide Hindi  tulad ng  pag gawa ng mga plastik na nangagaiangan ng langis sa pag gawa. Dahil ipinagbawal na ang pag gamit ng mga plastik, malaki ang magiging kita pag gumawa ng Eco bag. Ang eco bag ay magagamit sa pamamalengke o kaya magagamit ito sa mga lalagyan ng b...

Advocatus Mutationi

            "Ako ay nasa ika labing-isang baitang, bata pa lang ako noon, alam ko na ang gusto kong gawin sa buhay. Dulot ng impluwensiya ng mga nakikita ko araw-araw, kahirapan at mga hindi magagandang problema, nalaman ko sa sarili ko, na kailangan kong tumulong sa iba. Kailangan magbahagi ako ng sarili ko sa ibang tao. Kailangan magamit ko ang kursong inaaral ko sa ngayon. Ang unang adbokasiyang naiisip ko, ay magsagawa ng 'symposium', patungkol sa pagluluto ng masustansiyang pagkain. Pupunta ako sa iba't-ibang lugar upang magbigay ng mga makakatulong na payo, kung ano ang dapat lutuin, o di kaya'y, magsasagawa ako ng aktwal na pagluluto para makakuha sila ng mga ideya patungkol dito. Pagkatapos ko naman na magluto, ipapakain ko sa mga batang hindi sapat ang nutrisyon, na tinatawag din na 'feeding'. Pangalawa, ay ang pagtataguyod sa mga mamamayan upang kumain ng masustansiyang pagkain. Sapagkat, ang pagkain ng wasto at tama ay makakaiwas sa mg...