Skip to main content

FILIPINO SA PILING LARANGAN-TEC-VOC



Ano nga ba ang teknikal bokasyonal? Ano ba ang tulong nito sa isang negosyo at pagbenta ng mga produkto? At bakit mahalaga ito?

Ang Teknikal Bokasyonal ay isang komunikasyong pagsulat sa larangang may espesyalesadong bokabularyo sa larangan ng agham, inhenyera, teknolohiya at agham pangkalusugan. Ito ay sumasaklaw sa pagsulat ng sulatin sa empleyo o komersyo, na ginagamit upang magbigay-alam at magbahagi ng mga impormasyon.

Sa leksyong ito, maraming mga bagay ang natutunan ng mag-aaral. Una, ang iba't-ibang kurso ng sulatin, kagaya ng: Flyers, Leaflets, Feasibility Study, Dokumentasyon, Naratibong Ulat, Sulatin Akademiko, Deskripsyon ng Produkto at mga Promo Materials, na may malaking naitutulong sa paglago ng isang produkto o di kaya'y panghihikayat sa mga naghahanap ng trabaho. Pangalawa, naglalayong maging impormatibo, malinaw at kompleto ang mga ideya o impormasyon na nais ipahayag ng isang sulatin. Pangatlo, maraming gamit ang teknikal-bokasyonal, isa na rito, na siyang pinakaimportante sa lahat, magbigay ng konkretong impormasyon. Panghuli, nagbabahagi ito ng mga prosedyur na makakatulong sa pagbuo ng produkto, kung saan, kapag nabasa ito, maiintindihan at magiging alinsunod sa mga teknik ng paggamit.

Mahalaga ang Teknikal Bokasyonal dahil sa sumusunod na rason: 1) Mapapadali ang mga bagay-bagay kapag may binabasa tayong instruksiyon, halimbawa, kapag may isang bagay na wala tayong alam gamitin, sa pamamagitan ng mga instruksiyon, maiintindahan at malalaman na natin ang gamit ng bagay. Kapag sa larangan naman ng pagbibigay ng mga flyers, malalaman ng mambabasa kung ano ang mga trabaho o mga promo na pwede niyang makuha. 2) Malaki ang maitutulong nito sa industriya, bagaman paminsan-minsan, nababalewala ang mga impormasyong pinapaabot sa mga mambabasa, kapag nagamit na nila ito at bumili ng paulit-ulit, magiging malago ang mga kompanya sa industriya. At; 3) Makakatulong ang bawat detalyeng nakaangkop dito, ibig sabihin, may mga mabuting maihahatid ang mga nakasulat at nakalagay sa mga sulatin.

Kung kaya, nararapat na hindi mawala ang sistemang ganito sa bawat larangan sapagkat malaki ang magiging benepisyo ng mga kompanya, na magbibigay ng mga trabaho sa mga mamamayan at makakatulong sa paggamit nila sa mga produkto. Magiging hudyat ng paglaki ng kita at pagunlad ng ekonomiya.

Comments

Popular posts from this blog

Flyer

 Ang Eco Bag at kilala sa paggamit  bilang isang magandang  paraan upang mabawasan ang basura napinoprodus  ng mundo. Ang produkto ito at magagamit ng lahat  ng uri ng tao mapabata o matanda.  And Eco Bag na tinatawag ding "bag para sa buhay" ay mga bag na maaring pa ulit ulit gamitin. Ang mga ito ay ginagamit bilang alternatibo para sa mga plastic bag na isang beses lang magagamit  gawa ito sa mga materyales na narerecyle at Hindi nakakasira sa kalikasan. Mabibili ito sa  mga super market  at sa iba pang mga  pamilihan  ang pag gawa ng mga eco bag ay Hindi mangangailangan ng mga langids, isang natural na yaman  at nakakabawas sa pag produs ng carbon dioxide Hindi  tulad ng  pag gawa ng mga plastik na nangagaiangan ng langis sa pag gawa. Dahil ipinagbawal na ang pag gamit ng mga plastik, malaki ang magiging kita pag gumawa ng Eco bag. Ang eco bag ay magagamit sa pamamalengke o kaya magagamit ito sa mga lalagyan ng b...

Advocatus Mutationi

            "Ako ay nasa ika labing-isang baitang, bata pa lang ako noon, alam ko na ang gusto kong gawin sa buhay. Dulot ng impluwensiya ng mga nakikita ko araw-araw, kahirapan at mga hindi magagandang problema, nalaman ko sa sarili ko, na kailangan kong tumulong sa iba. Kailangan magbahagi ako ng sarili ko sa ibang tao. Kailangan magamit ko ang kursong inaaral ko sa ngayon. Ang unang adbokasiyang naiisip ko, ay magsagawa ng 'symposium', patungkol sa pagluluto ng masustansiyang pagkain. Pupunta ako sa iba't-ibang lugar upang magbigay ng mga makakatulong na payo, kung ano ang dapat lutuin, o di kaya'y, magsasagawa ako ng aktwal na pagluluto para makakuha sila ng mga ideya patungkol dito. Pagkatapos ko naman na magluto, ipapakain ko sa mga batang hindi sapat ang nutrisyon, na tinatawag din na 'feeding'. Pangalawa, ay ang pagtataguyod sa mga mamamayan upang kumain ng masustansiyang pagkain. Sapagkat, ang pagkain ng wasto at tama ay makakaiwas sa mg...