Skip to main content

Ispesipikasyon

Bakit nga ba dapat Ispesipik ang impormasyon o detalye na ibibigay at bakit?

      Narito ang isang maikling kwento na nag ha-halimbawa sa ispesipikong dokumento. 

  Ako ay nag scroll pababa sa facebook, at naisipan kung bumili ng panibagong selpon kaya nag search ako sa CDO online para doon maghanap ng selpon.  May mga Iba't ibang uri ng produktong aking nakita gaya ng mga damit,  sapatos bag at iba pa. 

  May nagustuhan akung selpon na second hand at interesado akung kunin ito kaya nagpadala ako ng mensahe sa seller at  napag usapan namin kung magkano at saan kami magkikita, at ang kanyang lokasyon na binigay ay sa sm sa dakong alas dos ng hapon.

 Kina umagahan tumulong muna ako sa mga gawaing bahay at naghanda na para da aming pagkikita.  Sumakay ako ng Rd na jeepney patungong sm kung saan ang aming pinag usapang tagpuan tatlongpung minuto ang lumipas ng ako ay makarating na sa aming pinag usapang distinasyon nagpadala ako ng mensahe na nandito sa ako sa lugar kung saan kami magkikita pagkalipas ng sampung minuto ay nagtaka ako kung bakit hindi pa siya dumadating, tinawagan ko siya at nagtanong kung nasaan na sya at ang sabi naman niya na "nandito na ako sa firstfloor sa may sm market katabi ng seafood restaurant." 

       Ako ay nagtungo sa instruksiyon na kanyang sinabi ngunit pag dating ko doon sa sm market ay wala akung nakikitang seafood restaurant kaya nag tanong ako sa isang sales lady ngunit sabi niya nasa fourthfloor daw ang seafood na restaurant para makasiguro nag tanong ulit ako kay manong guard ngunit sabi naman niya ay nasa fifthfloor daw lahat ang seafood na pagkainan, ako ay nalito sa mensaheng kanilang binigay dahil hindi magkapareho ang kanilang sagot.  Kaya naman tumawag ako sa seller, at sinabing walang seafood na pagkainan sa firstfloor pero sabi niya meron daw at naroon nadaw sya at naghihintay.

      Sabi pa niya na  katabi ng dunkin' donut ang seafood restaurant pero wala talaga akung nakikitang seafood restaurant at dunkin dunot na paninda sa 1st floor SM ngunit napag isipan ko na baka kami ay hindi nag kakaintindihan sa mga detalyeng aming napag usapan na ang tinutukoy niyang SM aysa SM uptown at ang aking pag aakala na sa SM downtown kung kayat hindi kami nagkikita dahil hindi ispesipik ang detalyeng lugar na kanyang binigay.

     Napag desisyonan namin na sa Ororama cogon nalang kami magkikita dahil pupunta naman siya doon.
  
      Sa pagbabahagi ng impormasyon o detalye importante na dapat ito ay ispesipik upang hindi malito ang mambabasa dahil nagdudulot ito ng hindi pagkakaintindihan sa isa't isa.

Comments

Popular posts from this blog

Flyer

 Ang Eco Bag at kilala sa paggamit  bilang isang magandang  paraan upang mabawasan ang basura napinoprodus  ng mundo. Ang produkto ito at magagamit ng lahat  ng uri ng tao mapabata o matanda.  And Eco Bag na tinatawag ding "bag para sa buhay" ay mga bag na maaring pa ulit ulit gamitin. Ang mga ito ay ginagamit bilang alternatibo para sa mga plastic bag na isang beses lang magagamit  gawa ito sa mga materyales na narerecyle at Hindi nakakasira sa kalikasan. Mabibili ito sa  mga super market  at sa iba pang mga  pamilihan  ang pag gawa ng mga eco bag ay Hindi mangangailangan ng mga langids, isang natural na yaman  at nakakabawas sa pag produs ng carbon dioxide Hindi  tulad ng  pag gawa ng mga plastik na nangagaiangan ng langis sa pag gawa. Dahil ipinagbawal na ang pag gamit ng mga plastik, malaki ang magiging kita pag gumawa ng Eco bag. Ang eco bag ay magagamit sa pamamalengke o kaya magagamit ito sa mga lalagyan ng b...

Advocatus Mutationi

            "Ako ay nasa ika labing-isang baitang, bata pa lang ako noon, alam ko na ang gusto kong gawin sa buhay. Dulot ng impluwensiya ng mga nakikita ko araw-araw, kahirapan at mga hindi magagandang problema, nalaman ko sa sarili ko, na kailangan kong tumulong sa iba. Kailangan magbahagi ako ng sarili ko sa ibang tao. Kailangan magamit ko ang kursong inaaral ko sa ngayon. Ang unang adbokasiyang naiisip ko, ay magsagawa ng 'symposium', patungkol sa pagluluto ng masustansiyang pagkain. Pupunta ako sa iba't-ibang lugar upang magbigay ng mga makakatulong na payo, kung ano ang dapat lutuin, o di kaya'y, magsasagawa ako ng aktwal na pagluluto para makakuha sila ng mga ideya patungkol dito. Pagkatapos ko naman na magluto, ipapakain ko sa mga batang hindi sapat ang nutrisyon, na tinatawag din na 'feeding'. Pangalawa, ay ang pagtataguyod sa mga mamamayan upang kumain ng masustansiyang pagkain. Sapagkat, ang pagkain ng wasto at tama ay makakaiwas sa mg...