Skip to main content

Liham Pangangalakal

Lyle P. Alcorin
Decejane Omambac 
Jingkey L. Olip 
Aaron M. Obsioma 
Zone 2, Igpit Opol, 
Misamis Oriental 
09975791646 
nana@gmail.com  

24 Hulyo 2019  

Ginoong Brecht Marquita 
Human Resource Office 
Luxe Hotel 
C.M. Recto Avenue, Cagayan de Oro City  

Sa kinauukulan:  

Magandang araw po!  

Narinig po namin ang inyong anunsiyo sa radyo, na naghahanap kayo ng mga bagong tagapagluto. Bilang nagtapos kami ng Hotel and Restaurant Management, may malawak kaming kaalaman sa pagluto ng iba't-ibang putahe. Ang paggawa ng mga panghimagas at mga world class na mga pagkain ay natutunan namin sa pagaaral, ay palagay naming kami ang mas karapat-dapat po sa posisyon.  

Nakapagtrabaho na rin kami sa iba't-ibang establisyemento ay kasalukuyan kaming nagsisilbi sa Silver Rain Restaurant bilang mga tagapagluto doon.  Ang aming napag-aralan at pagiging manggagawa ay naging daan upang mahasa ang aming kaalaman at pagkatao. Naniniwala kami na magagampanan namin ang aming trabaho at magiging kwalipikado sa posisyon.  

Kalakip po ng aming liham ang resume para sa inyong konsiderasyon. Amin pong ikanasisiya ang inyong pagtugon sa aming aplikasyon.  

Lubos na gumagalang,

Lyle P. Alcorin 
Decejane Omambac 
Jingkey L. Olip 
Aaron M. Obsioma

Comments

Popular posts from this blog

Flyer

 Ang Eco Bag at kilala sa paggamit  bilang isang magandang  paraan upang mabawasan ang basura napinoprodus  ng mundo. Ang produkto ito at magagamit ng lahat  ng uri ng tao mapabata o matanda.  And Eco Bag na tinatawag ding "bag para sa buhay" ay mga bag na maaring pa ulit ulit gamitin. Ang mga ito ay ginagamit bilang alternatibo para sa mga plastic bag na isang beses lang magagamit  gawa ito sa mga materyales na narerecyle at Hindi nakakasira sa kalikasan. Mabibili ito sa  mga super market  at sa iba pang mga  pamilihan  ang pag gawa ng mga eco bag ay Hindi mangangailangan ng mga langids, isang natural na yaman  at nakakabawas sa pag produs ng carbon dioxide Hindi  tulad ng  pag gawa ng mga plastik na nangagaiangan ng langis sa pag gawa. Dahil ipinagbawal na ang pag gamit ng mga plastik, malaki ang magiging kita pag gumawa ng Eco bag. Ang eco bag ay magagamit sa pamamalengke o kaya magagamit ito sa mga lalagyan ng b...

Advocatus Mutationi

            "Ako ay nasa ika labing-isang baitang, bata pa lang ako noon, alam ko na ang gusto kong gawin sa buhay. Dulot ng impluwensiya ng mga nakikita ko araw-araw, kahirapan at mga hindi magagandang problema, nalaman ko sa sarili ko, na kailangan kong tumulong sa iba. Kailangan magbahagi ako ng sarili ko sa ibang tao. Kailangan magamit ko ang kursong inaaral ko sa ngayon. Ang unang adbokasiyang naiisip ko, ay magsagawa ng 'symposium', patungkol sa pagluluto ng masustansiyang pagkain. Pupunta ako sa iba't-ibang lugar upang magbigay ng mga makakatulong na payo, kung ano ang dapat lutuin, o di kaya'y, magsasagawa ako ng aktwal na pagluluto para makakuha sila ng mga ideya patungkol dito. Pagkatapos ko naman na magluto, ipapakain ko sa mga batang hindi sapat ang nutrisyon, na tinatawag din na 'feeding'. Pangalawa, ay ang pagtataguyod sa mga mamamayan upang kumain ng masustansiyang pagkain. Sapagkat, ang pagkain ng wasto at tama ay makakaiwas sa mg...