Skip to main content

Posts

Showing posts from July, 2019

Liham Pangangalakal

Lyle P. Alcorin Decejane Omambac  Jingkey L. Olip  Aaron M. Obsioma  Zone 2, Igpit Opol,  Misamis Oriental  09975791646  nana@gmail.com   24 Hulyo 2019   Ginoong Brecht Marquita  Human Resource Office  Luxe Hotel  C.M. Recto Avenue, Cagayan de Oro City   Sa kinauukulan:   Magandang araw po!   Narinig po namin ang inyong anunsiyo sa radyo, na naghahanap kayo ng mga bagong tagapagluto. Bilang nagtapos kami ng Hotel and Restaurant Management , may malawak kaming kaalaman sa pagluto ng iba't-ibang putahe. Ang paggawa ng mga panghimagas at mga world class na mga pagkain ay natutunan namin sa pagaaral, ay palagay naming kami ang mas karapat-dapat po sa posisyon.   Nakapagtrabaho na rin kami sa iba't-ibang establisyemento ay kasalukuyan kaming nagsisilbi sa Silver Rain Restaurant bilang mga tagapagluto doon.  Ang aming napag-aralan at pagiging manggagawa ay naging daan upang mahasa ang aming kaalaman at pagkatao. Naniniwala kami na magagam

ALJD Home WiFi

                         ALJD Home WiFi Gusto niyo bang maranasan ang isang malakas na internet connection? Kung oo, kumuha na kayo ng aming produkto! Mabilis, walang kuskos-balongos, walang balakid! Ang super WiFi ng bayan! nAng ALJD Home WiFi! Kung paano maavail ito, sundan lamang ang sumusunod: 1. Kunin ang telepono at tawagan ang numerong 226 406 0375.       2. Hanapin at kausapin ang "Integrated Group for Installation".          3. Magtanong ng mga tanong na naglalaro sa iyong isipan. 4. Kapag nasagot na lahat, magpareserve. 5. Sabihin ang pangalan, lugar na tinitirhan at iba pang kinakailangang impormasyon. 6. Magantay ng ilang araw para maikabit ang amping produkto. 7. Lagyan ng pangalan at password. Kapag may ALJD Home WiFi na kayo, at gusto ng maranasan ang magandang koneksyon, sundin ang  mga nakasaad: 1. Kunin ang selpon. 2. Buksan ang WiFi Router. 3. Hanapin ang pangalan ng iyong WiFi, (halimbawa: San0504), pindutin ang &

Ispesipikasyon

Bakit nga ba dapat Ispesipik ang impormasyon o detalye na ibibigay at bakit?       Narito ang isang maikling kwento na nag ha-halimbawa sa ispesipikong dokumento.    Ako ay nag scroll pababa sa facebook, at naisipan kung bumili ng panibagong selpon kaya nag search ako sa CDO online para doon maghanap ng selpon.  May mga Iba't ibang uri ng produktong aking nakita gaya ng mga damit,  sapatos bag at iba pa.    May nagustuhan akung selpon na second hand at interesado akung kunin ito kaya nagpadala ako ng mensahe sa seller at  napag usapan namin kung magkano at saan kami magkikita, at ang kanyang lokasyon na binigay ay sa sm sa dakong alas dos ng hapon.  Kina umagahan tumulong muna ako sa mga gawaing bahay at naghanda na para da aming pagkikita.  Sumakay ako ng Rd na jeepney patungong sm kung saan ang aming pinag usapang tagpuan tatlongpung minuto ang lumipas ng ako ay makarating na sa aming pinag usapang distinasyon nagpadala ako ng mensahe na nandito sa ako sa lug

Advocatus Mutationi

            "Ako ay nasa ika labing-isang baitang, bata pa lang ako noon, alam ko na ang gusto kong gawin sa buhay. Dulot ng impluwensiya ng mga nakikita ko araw-araw, kahirapan at mga hindi magagandang problema, nalaman ko sa sarili ko, na kailangan kong tumulong sa iba. Kailangan magbahagi ako ng sarili ko sa ibang tao. Kailangan magamit ko ang kursong inaaral ko sa ngayon. Ang unang adbokasiyang naiisip ko, ay magsagawa ng 'symposium', patungkol sa pagluluto ng masustansiyang pagkain. Pupunta ako sa iba't-ibang lugar upang magbigay ng mga makakatulong na payo, kung ano ang dapat lutuin, o di kaya'y, magsasagawa ako ng aktwal na pagluluto para makakuha sila ng mga ideya patungkol dito. Pagkatapos ko naman na magluto, ipapakain ko sa mga batang hindi sapat ang nutrisyon, na tinatawag din na 'feeding'. Pangalawa, ay ang pagtataguyod sa mga mamamayan upang kumain ng masustansiyang pagkain. Sapagkat, ang pagkain ng wasto at tama ay makakaiwas sa mg

FILIPINO SA PILING LARANGAN-TEC-VOC

Ano nga ba ang teknikal bokasyonal? Ano ba ang tulong nito sa isang negosyo at pagbenta ng mga produkto? At bakit mahalaga ito? Ang Teknikal Bokasyonal ay isang komunikasyong pagsulat sa larangang may espesyalesadong bokabularyo sa larangan ng agham, inhenyera, teknolohiya at agham pangkalusugan. Ito ay sumasaklaw sa pagsulat ng sulatin sa empleyo o komersyo, na ginagamit upang magbigay-alam at magbahagi ng mga impormasyon. Sa leksyong ito, maraming mga bagay ang natutunan ng mag-aaral. Una, ang iba't-ibang kurso ng sulatin, kagaya ng: Flyers, Leaflets, Feasibility Study, Dokumentasyon, Naratibong Ulat, Sulatin Akademiko, Deskripsyon ng Produkto at mga Promo Materials, na may malaking naitutulong sa paglago ng isang produkto o di kaya'y panghihikayat sa mga naghahanap ng trabaho. Pangalawa, naglalayong maging impormatibo, malinaw at kompleto ang mga ideya o impormasyon na nais ipahayag ng isang sulatin. Pangatlo, maraming gamit ang teknikal-bokasyonal, isa na rito, na siyan